MANILA, Philippines- Naging makulay at matagumpay ang selebrasyon sa pagbubukas ng National Correctional Consciousness Week (NCCW) ng Bureau of Corrections (BuCor) nang magsagawa ng iba’t ibang aktibidad sa pagdiriwang nito simula nitong Oktubre 23 hanggang Oktubre 29, 2023 sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Naka-angkla ang mga aktibidad sa temang “The Correctional Community: Journeying together in Mutual Support on a Mission of Love,” na kinabibilangan ng fun run, Zumba, medical mission, blood letting, gift giving, feeding program, legal at paralegal services, bazaar, at pagbibigay ng parangal sa mga stakeholder. Cesar Morales