Home NATIONWIDE Self-reliance sa mga komunidad sa pamamagitan ng backyard farming isinusulong ng DILG

Self-reliance sa mga komunidad sa pamamagitan ng backyard farming isinusulong ng DILG

MANILA, Philippines – Isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakaroon malinis at environment-friendly na komunidad at pagiging self-reliant sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong namumunga at mga gulay.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Chito Valmocina, layon ng “Project Kalinisan” na himukin ang publiko na magtanim at magtayo ng backyard fishponds.

“Ako naman dito sa Barangay Affairs, pinatututukan ni Secretary (Benhur Abalos) iyong paglilinis, pagtatanim, pagmi-maintain. Ang susi po noon ay kailangan talaga minu-monitor mo at sinu-supervise mo iyong mga punong barangay,” pahayag ni Valmocina.

Aniya, sa mahigit 42,000 barangay officials na nanalo sa nagdaang halalan, mahigit 20,000 ang bagong halal.

Sinabi pa ni Valmocina na nasa 25,000 barangay na ang may sariling community gardens.

Ang mga binhi na may 18 uri ng gulay ay nagkakahalaga lamang ng P25.

“Kung ang bawat barangay, lalung-lalo na sa probinsiya, ay 300 families ang kanilang bibigyan ng seeds at saka seedlings ay PHP7,500 lang.”

Tinuran din niya na lahat ay maaaring magtanim at magsimula ng backyard farming kahit sa maliliit na mga espasyo ng kani-kanilang mga tahanan. RNT/JGC

Previous articleGrid system sa Panay island, stable – DOE official
Next articlePatay sa landslide sa Davao, 13 na – OCD