GEORGETOWN — Natukoy na ang sanhi ng sunog na kumitil sa 19 kabataan sa isang dormitoryo sa Guyana.
Base sa imbestigasyon, posibleng kagagawan ng isang estudyante ang sunog matapos na kumpiskahin ng mga awtoridad ng paaralan ang kanyang cell phone.
Ang mga bata, karamihan sa mga katutubong babae, ay namatay bandang hatinggabi noong Lunes.
Nauna nang kinumpirma ni David Adams, ang alkalde ng Mahdia, ang bayan kung saan matatagpuan ang paaralan, ang sinasabing pagkakasangkot ng estudyante sa Reuters at sinabing hindi siya nasugatan sa sunog.
Idinagdag niya na hindi niya makumpirma kung ang estudyante ay nasa kustodiya ng gobyerno. Hindi naman din binanggit kung inaresto ito ng pulisya.
Advertisement