Home HOME BANNER STORY Sen. Bato muling iginiit na House leadership nasa likod ng Cha-cha drive

Sen. Bato muling iginiit na House leadership nasa likod ng Cha-cha drive

MANILA, Philippines – Pinanindigan ni Senador Bato dela Rosa na pamunuan ng House of Representatives ang nagpasimula ng mga hakbang para itulak ang Charter change sa pamamagitan ng people’s initiative.

Sa interbyu ng CNN Philippines, sinabi ni Dela Rosa na sinabihan siya ng isang kongresista mula sa Mindanao na ang mga mambabatas mula sa mababang kapulungan ay “sumunod sa utos” na mangalap ng mga lagda na hindi lamang 3% kundi hindi bababa sa 20% ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa kanilang lugar .

“Sinong mag-uutos sa kanila kung hindi ang leader ng House?” ani Dela Rosa.

Sa ilalim ng Republic Act No. 6735 o ang “The Initiative and Referendum Act,” hindi bababa sa 12% ng lahat ng mga rehistradong botante ang dapat lumagda sa petisyon para amyendahan ang Konstitusyon.

Hindi bababa sa 3% ng mga rehistradong botante sa bawat distritong pambatas ay dapat na kinakatawan sa petisyon.

Nauna nang inamin ng People’s Initiative for Reform and Modernization Action (PIRMA) na sinimulan nila ang signature campaign para itulak ang Cha-cha sa pamamagitan ng people’s initiative. Sinabi ng lead convenor na si Noel Oñate na nakausap niya si Romualdez tungkol sa hakbang na ito at nakikipag-ugnayan ang grupo sa mga kongresista.

“Sabihin mo sa marines. Baka iniisip pa rin nila sa sarili nila na hindi alam ng taong bayan na sila ang nasa likuran… Kaya nga tinatawag natin na hindi ‘yan people’s initiative, that’s politicians’ initiative,” reaksyon naman ni Dela Rosa.

Sinabi ng senador na ang pagtanggi ay nangangahulugan na may hidden agenda sa likod ng hakbang. RNT

Previous articleQuiboloy ‘di haharap sa Senado; naghamon sa korte
Next articleCha-cha para sa Pinoy, ‘di para sa politiko – Speaker