Home NATIONWIDE Sen. Binay nabahala sa lumiliit na interes sa paggunita sa 1986 People...

Sen. Binay nabahala sa lumiliit na interes sa paggunita sa 1986 People Power

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Nancy Binay ang paunti nang paunting interes ng mamamayan sa paggunita sa anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Sinabi ni Binay, anak ni dating Vice President Jejomar Binay na aktibong human rights lawyer sa panahon ng diktadurya ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na hindi dapat kalimutan ang EDSA People Power Revolution dahil bahagi ito ng kasaysayan ng bawat Filipino.

“Ang sa akin lang sana… Mage-EDSA (anniversary) pala, sana huwag nating kalimutan ang diwa ng EDSA… Kasi di ba bahagi ng pagiging Pilipino ang EDSA Revoution,” ayon kay Binay sa interview.

Nagpahayag ng kalungkutan si Binay sa umuunting interes ng mamamayan sa paggunita sa makasaysayang peaceful revolution, na hinangaan sa buong mundo.

Umaasa si Binay na matututo ang kasalukuyang henerasyon at susunod pa kung ano ang nangyari noong 1986 na nagpatalsik sa diktaduryang Marcos sanhi ng malawakang dayaan sa halalan at pangungurakot sa kaban ng bayan.

“Syempre nababahala din tayo,” anang senador.

“Kasi during that moment yung buong mundo was admiring us for that peaceful revolution and sana unti-unti na maituro sya sa next generation kung ano ba yung nangyari during that period in our history kasi di ba wether we like it or not, nangyari naman talaga yung EDSA revolution,” paliwanag ni Binay.

Palaging kasama si Binay ng kanyang ama sa maraming rally laban sa diktadurya ni Marcos, ama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nababahiran din ng pagdududa ang kanyang pagkakaupo sa Palasyo.

“Sa akin hindi lang EDSA, alam naman natin na human rights lawyer ang aming ama so lumaki ako sa kalye lumaki ako nagrarally sa Liwasang Bonifacio and culmination na ang EDSA,” wika niya.

“Naaalala ko nga naging trabaho namin yung magtakal ng pagkain para ipamigay sa nasa EDSA in fact yung father ko kasama ni senator Joker Arroyo na naging bantay doon sa Malacanang pagkatapos umali ng Marcos family so I was there. Nakapunta ako sa Malacanang day after at nakita ko gaano kagulo ang Malacanang at that time,” giit pa niya.

Sinabi ni Binay na hindi na siya lumahok sa anumang selebrasyon pagkatapos magtagumpay sa EDSA people power revolution. Mahalaga aniya, hindi nito makakalimutan, tulad ng ibang lumahok sa pag-aaklas laban kay Marcos Sr., ang aral at espiritu ng EDSA. Ernie Reyes

Previous articleDHSUD lumikha ng programa para sa shelter assistance ng mga biktima ng kalamidad
Next articleAplikasyon para sa farm internship sa Taiwan bubuksan sa Hunyo