Home NATIONWIDE Binay sa Kongreso: Word war tigilan, balik-trabaho na!

Binay sa Kongreso: Word war tigilan, balik-trabaho na!

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Nancy Binay sa mga miyembro ng House of Representatives na tigilan na ang parliamentary bullying at magbalik na sa trabaho.

“I guess last week, di ba, naging masyado mainit yung mga banat at paninira sa Senado. Kaya ang naging Chinese New Year wish natin, sana tigilan na ng mababang kapulungan yung pag-atake sa Senado,” sinabi ni Binay sa panayam sa radyo.

“I’m sure, di ba, tao lang din naman kami na nasasaktan. But more than that, ang sa amin, this is, hindi ito productive. Yung nauubos yung oras sa mga ganyang walang kakwentang-kwentang banat. I guess, balik, balik trabaho. Mas pagtutunan namin yung problema ng ating mga kababayan ngayon,” dagdag niya.

Idiniin din ni Binay na umaasa siyang matatapos na ang mga sigalot pagsapit ng Hulyo, o sa panahon ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod dito, hinimok niya din ang Pangulo na magsalita na at mamagitan sa dalawang panig.

“I guess, merong authority or bilang ama ng ating bayan, siguro maganda nga kung may ganong intervention na magagaling sa ating Presidente,” anang senador.

Nitong Huwebes, matatandaan na iginiit ni Marcos na ang aamyendahan sa 1987 Constitution ay magiging limitado sa economic provisions.

Nagbabala naman sina House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriela party-list at Kabataan party-list lawmaker Raoul Manuel na ang economic Cha-cha ay “cover” lamang.

Kalaunan, “political amendments and opening of the doors to cronies” ay isasama umano.

Sa kabila nito, sinabi ni Binay na batay sa unang pagdinig, maraming resource persons ang nagsabing napapanahon ang pagpapalit ng Konstitusyon.

“Kasi dito sa gagawin namin ang proseso, baka din yung false hope sa ating mga kababayan na kumbaga pag binoto nila ito sa plebesito after one month, okay na. Bababa na yung presyo ng bigas. Or bababa na yung presyo ng krudo o maaayos na yung problema natin sa kuryente. Pero hindi ganun yung mangyayari,” dagdag pa niya.

“Hindi ito magic solution na pag napasa, tapos na lang, mawawala na lahat ng problema natin or okay na yung ekonomiya ng ating bansa. And I think baka kailangan namin din, ano yan eh, isa yan dun sa dapat din siguro ibahagi sa ating mga kababayan na kumbaga hindi lang ito yung solution,” pagpapatuloy ng senadora.

Isa sa mga panukala na nais nilang tutukan ay ang P100 dagdag sa daily minimum wage.

“Sa akin nga, baka magandang ano eh, pa-Valentine’s gift sa ating mga kababayan itong P100 minimum wage increase. Tignan natin baka this week, kaya na siyang aprubahan,” ayon kay Binay.

“Sa tingin ko naman, kakayanin na mga negosyante. In fact, yun din yung isa doon sa exemptions na gagawin natin dito sa minimum wage increase. E, yung mga small and medium na mga negosyante, eh hindi kabilang dito sa minimum wage increase,” sinabi pa nito. RNT/JGC

Previous articleSariling anak ginawang sex slave, ama arestado!
Next articleBayad sa voter’s certification inalis ng Comelec