Home ENTERTAINMENT Sen Pia, nagpaliwanag sa maternity leave ng nakunan!

Sen Pia, nagpaliwanag sa maternity leave ng nakunan!

Manila, Philippines – Sa pagdiriwang ng Buwan ng Mga Kababaihan, nagbigay ng libreng konsultasyong legal ang public service program na ‘CIA wita BA’ tungkol sa mga batas na may kinalaman sa kababaihan.

Isa sa mga natalakay sa segment na ‘Yes or No’ sa episode nitong Linggo, ay ang posibilidad na mag-file ng maternity leave kapag ang isang babae ay nakunan.

“Meron po kasi akong kaibigan na recently, unfortunately po, nakunan po siya,” tanong ni Aya ng Mariteam.

“Ngayon sabi po sa ‘kin nung iba ko namang kaibigan na pwede naman daw po siyang mag-avail pa rin ng maternity leave dahil kailangan na kailangan po ito ng katawan niya. Totoo po ba ‘yon?”

Deretso mula kay Senador Pia Cayetano, nakakuha si Aya ng sagot na ‘yes.’

“’Pag nakunan ang isang babae, covered talaga ‘yan sa maternity leave law,” diin ni Ate Pia.

Paliwanag niya: “Ang maternity leave law is 105 days kasi it takes into consideration na mag-aalaga ka ng baby, ‘di ba? Not necessarily na ‘yung katawan mo aabutin ng 105 days mag-recover pero matagal mag-recover ang pagpapaanak, tapos nagpapasuso ka pa, nag-aalaga ka pa, kaya we extended that to 105.”

Sabi ni Pia, kapag nakunan ang isang babae, ang leave ay maaaring magtagal ng hanggang 60 araw.

Ayon sa Section 4 at Section 5 ng batas na naipasa noong taong 2018, para sa mga babaeng manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, “maternity leave of sixty (60) days, with full pay, shall be granted for miscarriage or emergency termination of pregnancy.”

Suportado naman ni Boy Abunda at ni Sen. Alan Cayetano ang paliwanag ni Pia.

Ang ‘CIA with BA’ ay napapanood tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7. JP Ignacio

Previous articlePatok na pagkain tuwing Semana Santa!
Next articleEaster eggs saan nga ba nagsimula?