MANILA, Philippines – Ikinalugod at binati ng local government ng City of Taguig si Senator Pia Cayetano sa pagkakapanalo sa World Health Organization (WHO) 2023 World No Tobacco Day Award!
Bilang advocate ng tobacco control, si Senator Pia Cayetano ay patuloy at matagumpay sa pagsusulong ng mga batas, programa, at mga proyekto upang labanan ang smoking/paninigarilyo, vapes at “heated tobacco products” (HTPs).
Noong 2014, ay inisponsor ni Senator Pia Cayetano ang Graphic Health Warning bill na pumasa at tuluyang naging batas, ang Republic Act 10643, at ipinaglaban ang Sin Tax Reform Act of 2012 (Republic Act 10351).
Ang karampatang recognition, na naglalayong kilalanin ang mahahalagang kontribusyon ng mga individual at organization sa pagkontrol ng tobacco , ay testimonya sa kanyang tunay na pagmamahal sa public health at sa kanyang patuloy na maigting na drive na panatilihin ang mga Filipino na ligtas mula sa mga mapaminsalang produkto.
“The City of Taguig is so proud of you, Sen. Pia ! “, anang pagbati ng LGU. Dave Baluyot