Home NATIONWIDE Sen. Villanueva may COVID

Sen. Villanueva may COVID

191
0

MANILA, Philippines – Sa ikalong pagkakataon ay nagpositibo sa COVID-19 si Senate Majority Leader Joel Villanueva nitong Linggo.

Sa ngayon ay naka-isolate na ang senador matapos magpositibo sa antigen test para sa COVID-19 at habang hinihintay ang resulta ng RT-PCR test.

Sa isang pahayag na inilabas Linggo ng gabi, sinabi ni Villanueva na nagsimula siyang makaramdam ng hindi magandang pakiramdam noong Huwebes, na una niyang inakala ay dahil sa kanyang pinsala sa tuhod.

Advertisement

Kumuha siya ng antigen test noong Linggo.

“Sa Senado at bahay lang po ang activities natin this week, but we got infected again. Nag-isolate na po muna tayo habang hinihintay ang resulta ng RT-PCR test. Ingat po tayong lahat please,” aniya pa.

Si Villanueva ay nagpositibo sa COVID-19 noong Enero 2022 at Agosto 2022. RNT

Previous articleCOVID-19 positivity, healthcare utilization rate sumisirit
Next articleBelmonte, Singson tinanghal na top performing city mayors

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here