Home ENTERTAINMENT Sen. Win at Bianca, dedma na sa isyu, magkasama sa Canada!

Sen. Win at Bianca, dedma na sa isyu, magkasama sa Canada!

Manila, Philippines- Ayun!

Magkasama naman pala ang sinasabing ‘beleaguered’ couple na sina Bianca Manalo at si Senator Sherwin Gatchalian, ilang araw bago mag-New Year.

Kung matatandaan, nasabit ang pangalan ni Bianca nang lumabas at nag-viral sa socmed ang convo nila ni Rob Gomez, na kasama ng dating beauty queen sa Magandang Dilag.

Sa convo na yun ay lumalabas na diumano’y nakipagkita si Bianca kay Rob habang sinabi niya na wala si Sen. Win at nasa Valenzuela.

Anyway, on Instagram ay nag-shared si Sen. Win ng beautiful photo of themselves in front of a Christmas decoration.

“Reunited and it feels so good…” he wrote in the caption.

Nag-repost naman si Bianca ng photo on her Instagram stories and shared another snap of them outdoors, tagging Vancouver, Canada as the photo’s location.

FYI, nagbigay na rin ng statement si Win tungkol sa nasabing isyu.

“[Bianca] and I share the same values and principles in life.

“No fake news will divide us apart,” sabi pa niya.

Kahit si Bianca ay nagsalita na rin sa nasabing kontrobersya.

“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport,” sabi niya.

E, di wow! Joey Sarmiento

Previous articleBaby Go, pinagmalaki ang award!
Next articleIka-127 anibersaryo ng kabayanihan ni Rizal, ginunita