Home NATIONWIDE Senado tinawag na “slower chamber” ng solon

Senado tinawag na “slower chamber” ng solon

MANILA, Philippines – 100% nang naipasa ng Kamara ang mga Lower LEDAC at SONA bills ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr, ayon kau Surigao del Sur Rep Robert Ace Barbers.

Ayon kay Barbers habang tinutukan ng Kamara ang trabaho nito ay tila kabaligtaran naman ang Senado na mistulang naging Slower Chamber.

“Kami sa Lower House tapos na ang assignment. Wala kaming back subjects kaya wala ring constitutional crisis. Ewan ko ang Senado na mahilig ang ilang miyembro sa words, words, words kaysa work, work, work na attitude” pahayag ni Barbers.

Dumepensa din si Barbers laban sa akusasyon kay Romualdez, at aniya wala itong kinalaman sa People’s Initiative.

“Wala namang term extension na issue, economic lamang talaga,” dagdag ni Barbers.

Umapela naman sina Manila Rep. Bienvenido Abante at House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan sa mga lider ng bansa na huwag gamitin ang dasal para sa ‘political points’ matapos ang kontrobersiyal na panalangin ni Sen. Imee Marcos sa Jesus is Lord Worldwide Prayer and Vision Casting 2024 sa Norzagaray, Bulacan noong Sabado kung saan isinama nito ang isyu ng pag-amyenda sa Konstitusyon sa panalangin.

“When we pray, we communicate directly with our Father… it is our direct line to God, a sacred conversation meant for worship, repentance, and genuine supplication,” ani Abante, isang senior pastor ng Metropolitan Bible Baptist Church at pangulo ng Bible Believers’ League for Morality and Democracy (BIBLEMODE), na mayroong 6,000 miyembrong Baptist pastor sa bansa.

“The sanctity of our prayers should not be overshadowed or darkened by political agendas. Let us all avoid using the pulpit as a platform to broadcast masked political remarks, or as a stage for political advancement,” ani Libanan.

Kinondena naman nina House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., at Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez ang pahayag na constitutional crisis ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Giit ng mga mambabatas dayalogo at pagsuporta ang inaalok ni Romualdez sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na inihain sa Senado.

“Nakakalungkot ang pahayag ni Senate President Zubiri na naisip kaagad ang constitutional crisis sa halip na yakapin ang pakikipagkaisa na inaalok ni Speaker Romualdez sa pagpasa ng RBH No. 6 ng Senado,” ani Dalipe.

“This is a time for dialogue, not escalating tensions,” giit naman ni Gonzales.

Nauna rito nagpadala ng liham si Romualdez kay Zubiri upang ipahayag ang kahandaan ng Kamara na suportahan ang inihain nitong Resolution of Both Houses No. 6., na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

“Speaker Romualdez’s gesture of collaboration should be met with an open mind and a willingness to explore common ground. It is disappointing to witness a swift dismissal rather than an embrace of the opportunity for meaningful dialogue,” paliwanag ni Suarez.

Sa panig ni dating Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin, dating chairman ng House Committee on Constitutional Amendments na na papasa ang PI sa anomang kuwestiyon ng legalidad sa Korte Suprema.

Samantala, sinuportahan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang pahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na mas tataas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan kung agad na matatapos ng lehislatura ang trabaho nitong amyendahan ang Konstitusyon.

“I agree. Investor certainty is a function of legislative speed. The shorter the debates take, the more certain investors become,”pagtatapos pa ni Salceda. Gail Mendoza

Previous articleHinihinalang lider ng robbery-carnap group arestado sa Taguig
Next articlePBBM sa gov’t workers: “Huwag tamad, pagbabago magsisimula sa gobyerno