MANILA, Philippines- Sinimulan na ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality nitong Miyerkules ang imbestigasyon nito sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng Gentle Hands Inc.
Itinulak nina Senators Risa Hontiveros at Koko Pimentel na magsagawa ng imbestigasyon matapos maglabas ng Social Welfare and Development (DSWD) ng cease and desist order laban sa orphanage sa Quezon City.
Sa pahayag noong May 23, inakusahan ng DSWD ang Gentle Hands Inc. ng paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination.
Ilan sa mga puntong inaasahang tatalakayin sa imbestigasyon ang mga alegasyon na nagresulta sap paglalabas ng cease and desist laban sa orphanage, pagsuri sa polisiya ng DSWD sa living standards para sa residential facilities para sa mga bata, at ebalwasyon ng proseso ng DSWD sa pag-aalis ng mga bata mula sa child care facility. RNT/SA