Home NATIONWIDE Senate probe ikinasa ni Risa vs labor impact sa pagsasara ng Sofitel

Senate probe ikinasa ni Risa vs labor impact sa pagsasara ng Sofitel

Naghain ng isang resolusyon si Senador Risa Hontiveros na nanawagan upang paiimbestigahan ang implikasyon sa usapang panggawa na maaaring maging resulta sa pagsasara ng Sofitel Philippine Plaza, isa sa pinaka-iconic hotels, na nakatakdang tumigil ang operasyon sa Hulyo 1, 2024.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na layunin ng Proposed Senate Resolution No. 1059 ang kahalagahan ng pagsasagawa ng imbestigayson upang maitaguyod ang batas-paggawa at ilang pang alituntunin sa pangangalaga ng karapatan ng manggagawa.

Aniya, layunin din ng panukala na iimbestigahan kung lehitimo ang pagsasara, pangangalaga sa manggagawa at potensiyal na epekto nito sa patakrang pang-manggagawa sa hospitality sector.

“The 1987 Philippine Constitution guarantees full protection to labor and the promotion of full employment and equality of employment opportunities. The permanent closure of Sofitel will affect its 500 employees, some of whom have already faced termination,” ayon sa resolusyon.

Natuklasan ng senador sa ilang report na humingi ang Philippine Plaza Holdings Inc. (PPHI), nagmamay-ari ng hotel na pinangangasiwaan ng Accor S.A., ng isang 25-year lease extension mula sa Government Service Insurance System (GSIS).

Pero, nitong Mayo 1, 2024, inihayag ng hotel ang posibleng pagsasara nang tuluyan kahit malago ang negosyo dulot ng pagpuna ng ilang safety auditors hinggil sa edad ng gusali kabilang ang ilang depektong istruktura;.

“The impending closure of Sofitel Philippine Plaza has raised significant concerns among its employees and their representatives. We call for greater transparency from PPHI and demand answers regarding the true reasons behind this decision,” ayon sa resolusyon.

Inihayag pa Hontiveros na sinimulan ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamumuno ni Secretary Bienvenido Laguesma, ang pagdinig ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) upang matukoy ang kalagayan ng pagsasagwa at implikasyon sa manggagawa ng hotel.

Hiniling ng National Union of Workers in Hotel and Restaurant and Allied Industries (NUWHRAIN) SENTRO, na kumakatawan sa dalawang Sofitel union chapters, kasama ang International Union of Food, Agricultural, Hotel, Restaurant, Catering, Tobacco, and Allied Workers’ Associations (IUF), ng mas malawak na transparency mula sa PPHI.

Hinihinala ng grupo na ginagamit lamang ang pagsasara upang lusawin ang aktibidad ng union at pagkuwestiyon sa katunayan ng pagsasara kabilang ang ilang pagkukulang ng hotel sa usaping pangkaligtasan at umiiral na operasyon.

“We must listen to the employees’ legitimate concerns. Hindi ito pwedeng isawalang-bahala lang,” ayon kay Hontiveros.

“The closure of Sofitel Philippine Plaza is not just a business decision; it has far-reaching consequences for the lives of hundreds of employees and their families. We must ensure that the existing laws and policies are able to protect the rights and welfare of workers,” giit pa niya. Ernie Reyes