Nakatakdang ikasa ni Senador Robin Padilla ang isang resolusyon upang paiimbestigahan ang puno’t-dulo ng pagkasunod ng Post Office sa Manila nitong Lunes bilang pagpapaunlad ng preserbaston at proteksiyon ng cultural properties.
Sa pahayag, sinabi ni Padilla na layunin ng Senate Resolutiion NO. 627 na inaatasang ang kinauukulang komite na imbestigahan ang sunog at rebyuhin at palakasin ang patakaran para sa proteksiyon at preserbasyon ng cultural properties laban sa sunog at iba pang hazards.
“This recent incident underscores the vulnerability of our national cultural heritage to fire and other hazards and highlights the urgent need to revisit and assess the effectiveness of existing preservation and protection measures,” ayon sa kanyang resolution.
“It is of public interest to provide policies that will prevent or mitigate the effect of fire and other hazards to protect and preserve our national cultural heritage,” paliwanag niya.
Sa resolusyon, sinabi ni Padilla na pawang iconic non-classical ang gusali ng Maniila Central Post Office na denisenyon noong 1926 ni American architects Ralph Doane at Tomas Mapua, kasama si Filipino architect Juan Marcos de Guzman Arellano.
“For almost a century, the Post Office building was known as the grandest building of its time and is currently known as one of the dominating landmarks in Metro Manila,” ayon kay Padilla.
Noong 201, ideneklara ang Manila Post Office building bilang “important cultural property.”
“The Manila Central Post Office is a tangible representation of the nation’s culture and history, and its damage is a blow to the country’s cultural heritage,” giit niya. Ernie Reyes