Home NATIONWIDE Senate probe sa mass grave ng Bilibid, tututok na sa pagtakas ni...

Senate probe sa mass grave ng Bilibid, tututok na sa pagtakas ni Cataroja – Tolentino

MANILA, Philippines – Mapapalitan na ang sentro ng ginagawang imbestigasyon ng Senado mula sa umano’y mass grave sa loob ng septic tank ng New Bilibid Prison, sa pagtakas ni Michael Angelo Cataroja, na iniulat na nawawala sa Bilibid noong Hulyo.

Ang pahayag na ito ni Senator Francis Tolentino, chairman ng Committee on Justice and Human Rights, na nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon, ay kasunod ng pagka-aresto kay Cataroja sa Angono, Rizal.

“Matutuon ngayon ang hearing ng Senate Committee on Justice and Human Rights kung paano nakatakas si PDL Michael Cataroja at kung ano ang naging kapabayaan ng [Bureau of Corrections] sa hearing sa Martes, August 22, 2023,” pahayag ni Tolentino.

Wala pang eksaktong dahilan ang Bureau of Corrections (BuCor) kung paano nakatakas si Cataroja sa NBP.

Ipinag-utos na ni BuCor director general Gregorio Catapang Jr. ang agarang imbestigasyon sa pagtakas ng PDL mula sa piitan.

Matatandaang naibalita na si Cataroja ang kalansay na natagpuan sa septic tank ng NBP ngunit kalaunan ay sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na “fake news” ito.

Sa unang pagdinig ng Senate justice panel kaugnay sa umano’y mass grave sa NBP, sinabi ng National Bureau of Investigation na ang mga buto mula sa septic tank ay hindi sa tao kundi posibleng mula sa manok. RNT/JGC

Previous articlePangulong Marcos nanawagan ng kapayapaan sa Korean Peninsula
Next articlePatuloy na suporta sa senior citizens idiniin ni Bong Go