MANILA, Philippines- Upang agad nang ma-transmit sa Malacanang at malagdaan ni Pangulong BongBong Marcos bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address(SONA), hinimok ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep Joey Salceda ang House of Representatives na i-adopt na ang bersyon ng Senado para sa pagpapalawig ng estate tax amnesty.
Ipinaliwanag ni Salceda na hindi na kailangan pang magkaroon ng bicameral conference committee para talakayin ang bersyon ng Senado at Kamara ukol sa panukala na kukunsumo umano ng dagdag pang panahon.
āThis is a most urgent priority for the House leadership, so, you can count on immediate adoption by the House once we receive the formal transmittal from the Senate. We have also been in constant communication with my Senate counterpart, Senator (Sherwin) Gatchalian, to hammer out any style issues,ā katwiran ni Salceda.
Sinabi ni Salceda na ilang probisyon lamang ang naiba sa bersyon ng Senado sa Kamara kabilang dito ang pagtatakda na magkaroon ng electronic filing sa estate tax amnesty applications at pag-iksi ng pagpapalabas ng Implementing Rules and Regulation na ginawang 30 araw sa halip na 30 araw.
āWe agree. So, we will move for adoption. If they can transmit by Monday, we will ratify by Monday”paliwanag ni Salceda.
Ayon kay Salceda na 920,000 pamilya na may “unsettled estates” ang makikinabang sa oras na maisabatas ang panukala.
Sa ilalim ng Tax Amnesty Act, ang mga naging tapagmana ng mga ari arian ay maaaring magbayad ng tax nang walang karagdagang penalty, ang nasabing amnesty ay unang nagpaso noong June 2021 subalit pinalawig ito noong ng dalawang taon noong covid pandemic at nakatakdang magpaso sa June 14,2023 subalit nais itong muling palawigin ng dalawang taon o hanggang June 14,2025.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang pagpapalawig sa amnesty ay upang bigyang pagkakataon pa ang mga nagmana ng ari arian na magbayad ng tax sa mas mababang halaga, aniya, ang pagpapalawig ng amnesty ay bilang tulong ng gobyerno kasunud na rin ng pandemic kung saan marami ang ngayon pa lamang umpisang bumabangon.Ā Gail Mendoza