Home NATIONWIDE Senate version ng Maharlika bill, sinang-ayunan ng Kamara

Senate version ng Maharlika bill, sinang-ayunan ng Kamara

MANILA, Philippines – Inadopt o sinang ayunan ng Kamara ang bersyon ng Senado para sa panukalang  Maharlika Investment Fund(MIF).

Ayon kay Manila Rep Irwin Tieng, Chairman ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries  at syang namuno sa House Contingent para sa Bicameral Conference Committee na nagdesisyon ang Kamara na iadopt ang bersyon ng Senado.

Sa isang panayam sinabi naman ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na isa sa dahilan ng pag-adopt sa beryon ng Senado sa MIF bill ay para mapabilis na ang  ang pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR).

“The MIF is the first but it does not have to be the last sovereign wealth fund (SWF) that the government can create. The House has decided to adopt the Senate version, so that the Executive can begin crafting the rules and regulations – which no doubt will be as significant as the law itself,”pahayag ni Salceda.

Gaya ng unang napagkasunduan hindi gagalawin ng MIF ang pondo ng SSS (Social Security System), GSIS (Government Service Insurance System), PhilHealth at  HDMF (Home Development Mutual Fund).

“We are thankful for the Senate for retaining most of the accountability and transparency safeguards established by the House,” giit ni Salceda.

Tiniyak naman ni Salceda na tutulong ito sa pagbalangkas ng IRR para sa MIF.

Matapos iadopt ang bersyon ng Senado ay nakatakda itong  ratipikahan ng Kamara sa kanilang sesyon ngayong hapon, May 31.

Kasunud ng paglusot ng MIF bill sa Kongreso ay iaasahan na malalagdaan ito bilang batas ni Pangulong Bongbong Marcos bago ang kanyang State of the Nation Address(SONA) sa Hulyo.

Previous articleEstate tax amnesty extension ng Senado inaprubahan ng Kamara
Next articleE-Palarong Pambansa kasado na sa Hunyo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here