MANBILA, Philippines- Gustong ipa-adopt ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Kongreso ang sariling bersiyon ng Senado sa kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund (MIF) bill, na may probisyon laban sa corruption.
“Hopefully the [H]ouse can adopt our version which we improved with more safeguards in place to avoid possible misuse,” ayon kay Zubiri sa text message nitong Huwebes.
Inihayag ito ni Zubiri matapos ilantad na kanilang ipapasa ang MIF bill sa susunod na linggo matapos magpalabas ng certification as urgent ang Palasyo.
“[T]he plan is to approve it by [second and third] reading next week. We are accommodating the last few members who want to interpellate on Monday then we can open the period of amendments immediately after. As a certified measure we can close and approve the bill on that same week,” aniya.
Kapag inampon ng Kamara ang bersiyon ng Senado sa MIF bill, hindi na kailangan pa ang bicameral conference committee hearing na walang ibang layunin kundi pagsamahan ang nagtutunggaling probisyon.
Advertisement