Home METRO Senglot timbog sa pagmolestiya sa PWD!

Senglot timbog sa pagmolestiya sa PWD!

MANILA, Philippines- Arestado ang isang lasing na lalaki matapos gahasain ang Grade 6 student sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Isa umanong person with disability (PWD) ang biktimang edad 18. Siya ay sinamahan ang kanyang kapatid na babae na magreklamo sa Police Community Precinct (PCP) 3 na sakop ng Baseco Police Station o PS 13.

Sa imbestigasyon, pauwi na ng bahay ang biktima at kapatid nito nang madaanan ang suspek at kanyang kaibigan na nag-iinuman sa Barangay 649, Baseco Compound. 

Nilapitan ng suspek ang biktima at hiningi ang phone number na ibinigay naman ng PWD.

Kalaunan, tinawagan ng suspek ang biktima at niyayang lumabas kung saan nagkita ang dalawa.

Habang naglalakad malapit sa bahay ng suspek, biglang hinatak ang biktima at ipinasok sa loob ng kanyang bahay.

Sinabi ng biktima na ginahasa siya ng suspek at sinira ang kanyang cellphone upang hindi makahingi ng tulong sa kanyang pamilya.

Nagawa namang makatakas ng biktima sa tulong na rin ng mga tambay sa lugar.

Agad namang naaresto ang suspek sa kanyang bahay at ngayon ay nakakulong na sa MPD PS 13. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePananabotahe sa demokratikong proseso ‘di papayagan ni Marcos
Next articleWHO: Bilang ng kumokonsumo ng tabako bumaba