Home NATIONWIDE Senior Agila, 12 iba pa kinasuhan vs trafficking, child abuse, child marriage

Senior Agila, 12 iba pa kinasuhan vs trafficking, child abuse, child marriage

MANILA, Philippines – Iniharap sa patong patong na kaso ng Department of Justice ang lider at mga miyembro ng umano’y kulto na Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).

Simabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, isinampa na sa Surigao del Norte Regional Trial Court (RTC) ang mga kaso laban sa lider ng SBSI na si Jey Rence Quilario na mas kilala bilang Senior Agila, Mamerto Galanida, Karren Sanico at Janeth Ajoc at iba pa.

Ang apat ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Senado matapos ma-cite in contempt dahil sa pagmamatigas na walang nagaganap na child marriages sa kanilang lugar sa Sitio Kapihan, Surigao del Norte sa kabila ng testimonya ng mga mismong biktima. Nananatili naman at large ang iba pang kinasuhan na sina Wenefredo Buntad, Giovanni Leogin Lasala, Ibrahim Adlao, Jovelito Atchecoso, Sergio Cubillan, Daryl Buntad, Jonry Elandag, Yure Gary Portillo at Florencio Quiban.

Nahaharap ang mga ito sa 21 kaso ng qualified trafficking in persons, facilitation of child marriage, solemnization of child marriage at child abuse.

Kumpiyansa ang DOJ na makapagpapalabas na ang korte ng arrest warrants laban sa mga respondent.

Plano din ng kagawaran na mailipat sa korte dito sa Manila ang pagdinig sa mga kaso upang aniya hindi maapektuhan ang pagulong ng hustisya.

Hihilingin din ng DOJ sa korte na magpalabas ng preliminary hold departure order laban sa mga respondent. Teresa Tavares

Previous articleMangingisda ng Masinloc ‘gutom at galit’ sa Tsina, nagpalayag ng higanteng boya effigy
Next articleTaas-sahod sa Region IX aprubado na