Home NATIONWIDE Senior citizen assistance program, inilipat ng DSWD sa NCSC

Senior citizen assistance program, inilipat ng DSWD sa NCSC

MANILA, Philippines – OPISYAL nang inilipat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Assistance to Older Persons (ATOP) program sa National Commission of Senior Citizens (NSSC).

Isinagawa ang pag-turned over ng programa sa signing ceremony para sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at NCSC Chairperson Atty. Franklin Quijano.

Sa pamamagitan ng kasunduan na ito, matatanggap ng NCSC ang natitirang P1.7 milyong ATOP funds mula sa DSWD para sa implementasyon ng mga programa, proyekto at aktibidad para sa mga lolo’t lola o Filipino senior citizens.

“Ipapasa ito sa inyo, alagaan ninyo ito nang mabuti. Naniniwala ako na mapapalago ninyo ito and later on we can start talking about the bigger programs or the bigger PAPs in the department,”ayon sa Kalihim.

Alinsunod ito sa Republic Act No. 11350, lumikha sa NCSC at may mandato na ilipat ang tungkulin, programa, proyekto at aktibidad na may kinalaman sa kapakanan ng mga senior citizens sa komisyon mula sa departamento.

Ani Gatchalian, committed ang DSWD na tulungan ang NCSC sa panahon ng transition period at tuparin ang mandato nito para sa implementasyon ng assistance to older persons (ATOP).

Sa kabilang dako, kabilang sa mga programa at aktibidad sa ilalim ng ATOP ay suporta sa Senior Citizens Sectoral Council of the National Anti-Poverty Commission; pagdiriwang ng Elderly Filipino Week kapuwa sa national at regional level; suporta sa Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines, Inc.; at pangunahan ang Regional Coordinating and Monitoring Board and Regional Inter-Agency for Senior Citizens, bukod sa iba pa.

Nasa proseso na rin ngayon ang DSWD para ilipat sa NCSC ang iba pang senior citizen programs, gaya ng Social Pension for Indigent Seniors Citizens program at implementasyon ng Centenarians Act of 2016.

Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens ay nagbibigay ng P1,000 monthly pension sa to indigent senior citizens na ipinagkakaloob kada anim na buwan.

Gayunman, iyon lamang nga senior citizens na nasa ilalim ng kategoryang “eligible” na makatanggap ng monthly pension ay iyong mahina, sakitin o may kapansanan; walang pension mula sa SSS, GSIS o sa iba pang government at pribadong ahensiya; walang permanenteng pinagkukuhanan ng kita; at walang regular na suporta mula sa mga miyembro ng pamilya.

Ang mga kuwalipikadong indibiduwal ay maaaring pumunta sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa kani-kanilang local government units para magparehistro.

Kailangan ng mga ito na magdala ng accomplished application form, isang OSCA ID o kahit na anumang valid government ID na may araw ng kapanganakan at kanilang birth certificate. Kris Jose

Previous articlePinas pasasaklolo sa Czech sa modernisasyon ng AFP
Next articleMalaysian national tiklo sa reklamong pagnanakaw