Home OPINION SENIOR CITIZENS, DAPAT UMINOM AT MAGBAON NG TUBIG PARA MAKAIWAS SA HEAT...

SENIOR CITIZENS, DAPAT UMINOM AT MAGBAON NG TUBIG PARA MAKAIWAS SA HEAT STROKE

Nagpayo si Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert sa mga senior citizen na dagdagan ang iinuming tubig ngayong panahon ng El Niño upang makaiwas sa heat strokes.

Ayon kay Solante, isang paraan upang makaiwas dito ay paalalahanan ang mga matatanda na uminom ng tubig araw-araw. Aniya, makabubuti kung magagawang uminom ng 8-10 baso ng tubig, subalit mas mainam kung kakayanin nilang uminom ng hanggang sa 12 baso tubig.

Ang payo ng mga doktor sa kanilang pasyente, dapat mayroon isang 1.5ml boteng tubig gawing sukatan para malaman kung nakakaubos ang isang senior citizen sa loob ng isang araw.  Kung sakali magtitimpla ng gatas, kape, o juice, dapat mula sa 1.5ml na bote para masukat ang naiinom. Mas maganda sa kalusugan kung higit pa sa 1.5ml lalong-lalo na sa panahon ng tag-init.

Kailangan mag-ingat mga senior citizen sa pagpasok ng tag-init iwasan muna ang pagpapainit sa araw. Kung hindi naman maiiwasan, marapat na magsuot ng damit na matatakpan ang kanilang balat, gumamit ng payong at sunglasses at magbaon ng tubig, para may mainom kung labis sila pinawisan.

Payo niyang siguraduhin na malinis ang pagkukunan ng tubig o hangga’t maaari ay pakuluan ito bago inumin o ipainom sa mga senior citizen.

***
T

inalakay ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD), Bicol ang vector-borne diseases na ani­la ay mataas ang tiyansang lumaganap kung mas hahaba pa ang tagtuyot. Ang vector-borne diseases ay mga sakit na sanhi ng parasites, viruses at bacteria na naisasalin sa pamamagitan ng vectors. Ilan sa mga halimbawa nito ay dengue, chikungunya, cholera, at typhoid fever.

Upang hindi dapuan ng dengue at chikungunya, hinihikayat ng naturang ahensya ang publiko na isagawa ang “5S strategy” na binubuo ng; Searching and destroying mosquito-breeding sites; observing Self-protection measures; Seeking early consultation in different rural health centers; Support fogging only in outbreaks; at Sustain hydration.

Samantala, upang maiwasang magkaroon ng typhoid fever, mahalagang ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos magluto at kumain, gayundin pagkatapos gumamit ng palikuran, ayon sa DOH-Bicol.

Inaasahan na magpapatuloy pa ang matinding epekto ng El Niño ngayong buwan hanggang Mayo 2024, base sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Admi­nistration.

Previous article300 pamilya apektado ng sunog sa Parañaque
Next articleKOALISYON LABAN SA CHA-CHA