Home METRO Senior citizens sa Navotas binigyan ng birthday gift

Senior citizens sa Navotas binigyan ng birthday gift

MANILA, Philippines- Nagbigay ang lokal na pamahalaan lungsod ng Navotas ng P1,000 birthday gift para sa mga rehistradong senior citizens sa Navotas City ngayong taon.

Mismong si Navotas City Mayor John Rey Tiangco na ang NavoRegalo sa ginanap na Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola ay bahagi ng 118th Navotas Day celebration.

“We acknowledge the invaluable contribution of our senior citizens to the progress of our city. We hope to support them in fully enjoying their twilight years even through this small gift,” ani Mayor Tiangco.

Base sa Navotas City Ordinance No. 2023-44 o ang “Amended Birthday Cash Gift to Senior Citizens,” ang seniors na rehistradong botante ng Navotas at may ID mula sa City Social Welfare Development Office (CSWDO) o the City Persons with Disability Affairs Office ay kasama sa nasabing programa.

Maliban sa NavoRegalo, bibigyan din ng P10,000 cash gift ang Navoteños na aabot sa 100 taong gulang at P1,000 buwanang tulong habang libre rin itong makapanood sa sinehan ang mga registered seniors sa Fisher Mall Malabon tuwing Lunes at Martes. R.A Marquez

Previous articleMMFF 2023 kumita ng P1.069B
Next articleDOH nakapagtala ng 453 debotong nasugatan sa Traslacion