Home METRO Senior lumutang sa ilog

Senior lumutang sa ilog

MANILA, Philippines – Posible umanong hindi na nakayanan pa ang pinagdadaanang paghihirap dahil sa iniindang sakit na cancer ang isang senior citizen kaya nagawa nitong magpakalunod sa Ilog Pasig malapit sa Kalahi St., Punta, Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Daisy Sebastian y Dela Cruz, may-asawa, nakatira sa San Andres Bukid, ng naturang lungsod.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima alas-10 nitong Huwebes ng gabi, Marso 14 habang kumakain sa pamamagitan ng NGT.

Alas-2 ng madaling araw ng Biyernes, nang mapansin ni Larry Sebastian, asawa ng biktima na wala na ito sa kanyang higaan at hindi na mahagilap dahilan para mag-post sa social media ng “Missing Person”.

Ilang minuto lang ang nakalilipas, may tumawag umano sa kanya mula sa isang kaibigan na natagpuan ang kanyang misis.

Ang biktima ay dumaranas umano ng intestinal cancer ay nakatakda sanang sumailalim sa operasyon ngayong buwan ng Marso, ayon sa kanyang mister na si Larry Sebastian.

Sa kabila nito, nagsasagawa pa rin ng kinakailangang imbestigasyon ang pulisya habang hinihintay ang resulta ng autopsy examination sa labi ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSundalo patay sa salpukan ng motorsiklo at trak
Next articleP200K marijuana nasamsam, suspek arestado