Home ENTERTAINMENT Serena alay ni Gloc 9 sa beking anak!

Serena alay ni Gloc 9 sa beking anak!

Manila, Philippines- No parent is never proud of his child regardless of sexual preference.

Ganito rin ang OPM icon na rapper-songwriter na si Gloc 9.
Sa unang pagkakataon kasi’y inamin niyang may anak siyang miyembro ng LGBTQIA+ community.

His name is Daniel bagama’t hindi binanggit ni Gloc 9 kung ilang taon na ito.

Aniya, ilang taon lang ang nakakaraan nang umamin si Daniel sa kanila that he was gay.

Pero bago rito, ang nilikha niyang awitin na Sirena noong 2012 ay tungkol sa mga miyembro ng nasabing komunidad.

Crucial daw para kay Gloc 9 ang i-release ang nasabing awitin dahil baka raw makainsulto siya ng damdamin.

To his surprise, nagustuhan pa nga raw ito ng isang grupo ng production people who came to his house to interview him.

Pinapanood daw niya ang music video ng Sirena.

Sobrang touched daw ang isa sa mga nakapanood nito lalo na ang ending ng MTV.

Since then, itinuring nang anthem ng LGBTQIA+ community ang Sirena.

Bilang ama whose son is gay ay proud daw si Gloc 9.

He can’t wait daw to see Daniel realize his dreams, adding kung gaano niya ito kamahal as much as he loves his other kids. Ronnie Carrasco III

Previous articlePinakalat na floating barriers sa Masinloc pinagtanggol ng Tsina
Next articleEx-parak hinatulang guilty sa homicide sa Jemboy Baltazar case