MANILA, Philippines – Arestado ang isang serial rapist at dalawa pang wanted sa Malabon ang sinakote ng pulisya.
Walang pyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ni Darren Aganta Cutanda, 31, na dinakip 11:10 PM ng Oktubre 10 sa Celia II St., Barangay Bayan-Bayanan, ng lungsod.
Hinuli ang suspek sa kasong rape (3 bilang) na inisyu ni by Hon. Misael Madeo Ladaga ng Regional Trial Court Branch 292, Malabon City noong Setyembre 27, 2023
Dinakip din sa naturang araw ang isang lalaking wanted sa carnapping sa bisa ng warrant na inisyu ni Josie N. Rodil, Presiding Judge, National Capital Judicial Region Branch 293, Malabon City noong Pebrero 8, 2023.
Halagang P300,000 ang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng hinuli.
Samantala, ibinalibag sa selda ang isang babae dahil sa paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Sinakote ang suspek noon ding Oktubre 10 sa bisa ng warrant na inisyu noong Oktubre 4 ni Maria Ella Cecilia Dimaandal Dumlao-Escallante , Presiding Judge, NCJR Branch 36, Quezon City. Merly Iral