MANILA, Philippines – Magkakasa ang Department of Budget and Management (DBM) ng serye ng mga roadshow para sa public financial management at tulungan ang mga budget officers na matutunan ang tamang fund management.
Ang anunsyong ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ay kasabay ng pagpupulong nito kasama ang mga opisyal at miyembro ng Association of Local Budget Officers (ALBO) sa Batangas nitong Biyernes, Agosto 4.
Ani Pangandaman, layon ng DBM na palakasin pa ang mga bagong budget officers ng mga kailangang kaalaman at kakayanan upang magawa ang kanilang mga trabaho lalo na sa pamamahala ng budget.
“Further, the roadshows will give proper guidance to budget officers for the proper interpretation of procurement laws, audit rules, and other pertinent policies,” pahayag ng DBM.
Kasabay ng pagpupulong sa ALBO, kinilala ni Pangandaman ang gampanin ng mga budget officer sa pagprotekta sa public funds, maging sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto ng pamahalaan.
“Ako po, I always see to it po na makasama, makasalamuha ang ating mga budget officers because of your important role po kasi po, ‘di ba, sa atin po ‘yung pera ng bayan na ating kailangang pangalagaan and we have to implement ‘yung ating projects as much as we can,” ani Pangandaman.
“Kami, in our own capacity, kasi may budget tayo, and may management din tayo. So ‘yung management side po ng DBM, ‘yan po ‘yung gusto nating palakasin.” RNT/JGC