Home ENTERTAINMENT Seth, naiinis pag kinukumpara kay Daniel!

Seth, naiinis pag kinukumpara kay Daniel!

176
0

Manila, Philippines- Aminado si Seth Fedelin na naiinis siya kapag sinasabi ng iba na porke’t may hawig sila ni Daniel Padilla ay ginagaya niya ang kilos at pananalita nito.

Sa Spill or Swallow challenge ng Push.com ay game na game ngang sumabak si Seth.

At dito nga siya um-oo sa tanong kung naiinis siya tuwing may nagsasabing ginagaya niya si Daniel.

“Siguro ‘yung ano, ginagaya ko raw si kuya DJ. Minsan naiinis ako.

Nagpagupit na nga ako, eh, oh, (para hindi na maakusahang kinokopya si Daniel),” natatawang sabi ni Seth.

Dagdag niya, “Actually, hindi naman ako naiinis. Parang more on ano lang, ‘Why?’ Bakit?’

“Pero okay lang naman din. I’m thankful pa rin.”

Samantala, natanong ang binata kung may something o kung may namamagitan na sa kanila ng bago niyang ka-loveteam na si Francine Diaz.

Ang sagot niya, “Meron, and actually ‘yung namamagitan namin is I trust her, and she trusts me.

“Kasi pwedeng magkaibigan lang na magkabatian lang, pero may mga deep talks na kami. Ganu’n ang pagkakaibigan namin,” paliwanag ng aktor.

Aniya pa, single na single siya ngayon at nakasentro muna ang lahat ng kanyang atensiyon sa kanyang showbiz career.

Sobra nga ang pasasalamat ni Seth sa ABS-CBN at sa Dreamscape Entertainment dahil napasama siya sa napakalaking cast ng Kapamilya primetime series na Dirty Linen kung saan gumaganap siya bilang si Nico.

“Halos lahat is unang beses ko pa lang makatrabaho sa Dirty Linen.
Mga senior actors, si kuya Z (Zanjoe Marudo), si Tito Epy (Quizon), Tito Joel Torre, marami pa, which is sa akin parang ano ‘yun, eh, challenge talaga.

“Kumbaga kailangan kong tapatan ‘yung galawan nila. Kailangan mag-work, eh. So para sa akin challenge ‘yun. And para rin sa akin, bagong kaalaman na naman. Kasi may mga bago tayong matututunan sa mga tao doon, eh,” aniya pa. Rommel Placente

Previous articleTarget ng Comelec na bagong voter registrants nalagpasan na
Next articleScientific research, pakikilahok ng LGU importante sa climate change response – CCC