MANILA, Philippines – Lumakas pa at nasa severe tropical storm category na ang bagyong Haikui (international name) na patuloy na lumalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa 11 a.m. advisory ng PAGASA nitong Miyerkules, Agosto 30, namataan ang sentro ng bagyong Haikui sa 1,465 kilometro silangan ng extreme northern Luzon, o nasa labas ng PAR.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometro kada oras at pagbugso na 135 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Posibleng pumasok sa PAR ang bagyo ngayong hapon o gabi, at inaasahang kikilos sa direksyong west, northwestward o northwestward.