Sex dolls ikinalat sa football game sa SoKor

Sex dolls ikinalat sa football game sa SoKor

May 19, 2020 @ 9:49 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

MANILA, PHILIPPINES – Todo-todo ang paghingi nang paumanhin ng Football Club sa Seoul South Korea matapos nilang ikalat sa bleachers ang mga umano’y sex doll na nagsilbing virtual audience  sa isang football game.

Ayon sa ulat, ipinagbawal na muna ang live audience sa muling pabubukas ng sporting events sa South Korea, dahil sa problema sa COVID-19,  bilang pagtalima sa utos ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Una nang itinanggi ng Football Club na mga sex doll ang  kanilang ginamit at sinabing mga premiro klase na mga mannequin ang kanilang inilagay.

Pero, napansin ng mga kritiko na ang hawak na mga karatula ng mga mannequin ay advertisement ng mga adult websites.

Base sa reports, halos 28 mga babaeng mannequins at dalawang lalaking mannequins ang ipinakalat sa nasabing bleachers na nagsilbing mga audience. Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Loading...