“Sex for pass” scheme, paiimbestigahan ng Malakanyang – Roque

“Sex for pass” scheme, paiimbestigahan ng Malakanyang – Roque

May 22, 2020 @ 8:57 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Paiimbestigahan ng Malakanyang ang napaulat na “sex for pass” scheme laban sa mga tauhan ng kapulisan kung saan pinapayagan umano nilang tumawid sa ibang lugar ang mga kababaihan kapalit ng pakikipagtalik.

“Will have these investigated. Need more details,” tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Remate News Online.

Ayon sa ulat na may ilang police frontliners umano na nasa quarantine checkpoints ang di umano’y gumagawa ng pisikal at sekswal na pang-aabuso sa mga kababaihan na gustong tumawid sa ibang lugar.

 

Sa ulat, hinimok ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes ang mga biktima ng sinasabing “sex for pass” scheme na magsampa ng kaso laban sa sinumang tauhan ng kapulisan.

Ayon kay Police General Archie Francisco Gamboa, PNP Chief, nakarating sa kanya ang “sweeping allegations” mula mga hindi pa tukoy na source na nagsasabing ilang police frontliners na nasa quarantine checkpoints ang gumagawa ng ganitong kababuyan.

“The PNP takes these allegations seriously because we respect women and honor their role in [the] society. We will not tolerate any form of physical or sexual abuse against women,” saad niya.

“I strongly urge those unnamed sources to immediately report to the PNP and file charges against suspected wrongdoers,” dagdag pa nito.

Ilang nagrereklamo ang nagpo-post ng kani-kanilang mga alegasyon sa social media networks at sinasabing ilang kababaihan ang naha-harrass ng police officers sa quarantine checkpoints.

Ilan din ang sinasabing binisita ng mga pulis sa kanilang mga tahanan upang maghatid ng quarantine passes kapalit ng pakikipagtalik o anumang sekwal na aktibidad.

Ayon kay Gamboa, sa oras na nakagawa ng krimeng “sex for pass” ang isang pulis, hindi na ito tagapagpatupad ng batas kundi isa nang kriminal o sexual predator.

“It is unfair that they become part of an unfounded generalization simply because of the criminal actions of a few,” aniya.

Matatandaang ilang tauhan ng Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang ipinadala upang siguruhing sumusunod ang mga pulis sa protocol sa pagmamando ng quarantine checkpoints. Kris Jose

Share

Leave a Reply

Loading...