Sex toy sa pakikipagtalik?

Sex toy sa pakikipagtalik?

April 7, 2019 @ 11:08 AM 1 year ago

  •  
  •  
  •  
Share


Manila, Philippines –  Ang mga sex toy ay hindi lamang para sa mga babae. Makakatulong din ito para sa pagtatalik ninyong mag-partner.

Bagama’t hndi advisable ang pagsi-share ng sex toy, dahil sa posibilidad ng STI at germs, pero ayon sa mga sexperto, linisin lamang ito ng regular, bago at pagkatapos gamitin, puwedeng-puwede ninyo na itong makasama sa aksiyon.

Ayon kay Lisa Finn, isang brand manager at sex educatior sa Babeland, ang ibang sex toys ay ginawa talaga para sa dalawang tao, kahit na sa lalaking partner.

Narito ang ilang tips kung paano ito makatutulong sa mas maaksiyon na bakbakan ninyong mag-asawa o couple sa kama:

#Hotspots

Mahalaga ang hotspots. Para sa mga babae, may ilang mga spots ang mga lalaki na maaaring hindi ninyo pa nalalaman. Kung tutuusin, lahat ng ari ng lalaki ay mayroong mga extra-sensitive na lugar na nangangailangan ng inyong atensiyon. At ito ang pinupuntirya ng ilang mga sex toys na maaaring mayroon ka.

Ayon kay Finn, ang isa sa mga spot, ay nasa frenulum o ang pagitan ng ulo ng penis at ang mismong kahabaan nito. Ang frenulum ay puno ng nerve ending at isang magandang spot para asarin ng isang maliit na vibrator gaya ng ‘bullet.’

Mayroon ding tinatawag na raphe, o ang ilalim na bahagi ng penis malapit sa balls. Medyo may bako-bako ito o bahagyang rough na gaya ng frenulum ay punom-puno ng mga nerve na sensitive.

Puwede ring mag-explore pa sa ibang bahagi ng katawan ng lalaki, gaya ng kanyang nipples, leeg, o sa kanyang likod sa pamamagitan ng iyong sex toy.

#BeCareful

Maging maingat. Lalo na sa mga ipinapasok na sex toy. Huwag basta-bastang magpapasok sa iyong partner ng sex toy lalo na’t galing ito sa loob din ng iyong katawan, o vice versa. Gumamit ng condom at hugasang maigi muna ang sex toy bago gamitin ng isa sa inyo.

Magkaiba ang anal toys sa vaginal toys kaya mas maiging gamitin ito kung para saan talaga ito. Iwasan na magpasok ng vaginal toy sa puwet ng isa sa inyo para maiwasan ang aksidente gaya ng sa iba na lumulusot ito paloob at hindi na maalis.

Hindi na kailangan pa ng mga mamahaling machine o sabon para hugasan ang inyong sex toys. Maghanda lamang ng mainit na tubig at sabon. At mas maingat din ang pagsuot dito ng condom.

Ang sex ay parang art na lahat ay maaari mong gawin para sa parehas ninyong kaligayahan. Huwag matakot mag-try pero manatiling maingat. Dapat, kagaya ng isang sayaw, tugma kayo ng pacing o ng trip sa buhay para siguradong parehas kayo at sabay na maaabot ang rurok ng kalangitan. (Remate News Team)

Share

Comments (3)

  • Geen Effect Reply

    … [Trackback]

    […] Info on that Topic: remate.ph/sex-toy-sa-pakikipagtalik/ […]

    May 22, 2020 at 5:57 am
  • axiolabs steroids any good Reply

    … [Trackback]

    […] Find More on to that Topic: remate.ph/sex-toy-sa-pakikipagtalik/ […]

    June 9, 2020 at 10:58 am
  • Types Of Fishing Poles Reply

    … [Trackback]

    […] Read More here on that Topic: remate.ph/sex-toy-sa-pakikipagtalik/ […]

    June 12, 2020 at 11:45 am

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...