Home ENTERTAINMENT Sexy post ni Kathryn, wagi sa socmed!

Sexy post ni Kathryn, wagi sa socmed!

Manila, Philippines- Winner o pangabog ang “Arte” post ni Kathryn Bernardo sa kanyang socmed account.

In the company of her friend Sofia Andres, kapwa sila naglilimayon sa beach.

Sa mga photos on social media, Kathryn has indeed shed off her inhibitions.

Paano naman kasi, ibang-iba as in totally different Karhryn Bernardo ang bumulaga sa mga netizens.

Ano’ng sinasabing kumpara sa ibang nagseseksihang aktres ay hindi endowed o biniyayaan ang aktres from waist up?

Kathryn proved them wrong dahil napa-wow ang mga netizens seeing her in a two-piece bikini.

Siyempre nga naman, what do her critics expect, eh, sa beach ang setting.

Kathryn is on a yacht at may hawak na inumin.

That particular post can pass for a photo for a possible liquor brand na puwedeng iendorso ni Kathryn next year with matching calendar.

Tila panawagan ‘yun sa mga distillery companies na kunin siyang next endorser.

Kaya hindi na kami magtataka if such career development will take place in 2025.

Samantala, obyus na at home na at home si Kathryn kay Sofia who’s her shoulder to cry on.

‘Yun din kasi ang ginagampanang papel ni Sofia sa buhay ni Sarah Lahbati na constant companion din niya.

Damang-dama nga ang girl power! Ronnie Carrasco III

Previous articleMalaysian, Pinay tiklo sa pagbebenta ng rehistradong SIM na may verified e-wallet accounts
Next articlePagpapalaya sa mga guro sa admin tasks iniatas ng DepEd