Home SPORTS SGA star Kevin Quiambao kinukuha ng UAE

SGA star Kevin Quiambao kinukuha ng UAE

MANILA — Ipinagmamalaki man, nababahala rin si De La Salle head coach Topex Robinson dahil ang kanyang star player na si Kevin Quiambao ay gumagawa ng pangalan para sa kanyang sarili sa international level.

Si Quiambao ay naglalaro sa mataas na antas para sa Strong Group Athletics (SGA) sa 33rd Dubai International Basketball Championships, kung saan sila ay kasalukuyang walang talo. Sa 95-73 panalo laban sa Beirut noong Miyerkules ng umaga, naghatid si Quiambao ng 20 puntos at apat na rebounds.

Kinumpirma ni Robinson, na bahagi ng SGA coaching staff, na inalok siya ng United Arab Emirates ng puwesto sa kanilang roster bilang naturalized player.

“It’s an honor din na nare-recognize siya at this level. Even before naman, pero siguro, he’s really playing well,” ani Robinson na umalalay kay Quiambao at Green Archers saUAAP Season 86 men’s basketball championship noong December.

“But siyempre, binibiro ko nga eh, ‘Babantayan kita palagi, para ‘di ka maka-alis’,” ayon sa coach.

“But it’s an honor, with him representing not only the Strong Group, the Philippine team, and siyempre, La Salle. At the end of the day, it benefits us as a program and we’re just happy that he was able to represent tayo rin.”
4-0 na ngayon ang SGA sa Dubai tournament, kung saan si Quiambao ay may average na 19.0 points, 4.0 rebounds at 2.3 assists kada contest. Siya ang nangungunang scorer ng koponan na tampok ang mga dating manlalaro ng NBA na sina Dwight Howard, Andre Roberson, at Andray Blatche.

Tinawag ni Robinson si Quiambao na isang “generational talent” na ang skillset ay akmang akma para sa internasyonal na laro.

“I think the reason why he was so attractive to the other teams, especially sa Dubai, is he check the mrk of a potential international superstar,” ayon sa coach.

Bagama’t ipinagmamalaki ang kanyang manlalaro, medyo nag-aalala rin si Robinson sa atensyon na nakukuha ni Quiambao, lalo na kung tatanggapin ng do-it-all forward ang alok na naturalization.

Ngunit anuman ang desisyon ni Quiambao, nilinaw ni Robinson na ipinagmamalaki niya ang mga nagawa ng King Archer.

Previous articleSenate probe ni Bato vs ‘ayuda scam’ sinimulan
Next articleShiena Yu, nakipag-sex sa sauna!