Manila, Philippines – Hindi nakaligtas sa mapanuring audience na nakapansin kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa kanilang Dear Heart concert which was staged anew at the Okada Manila, ang diumano’y pagiging cold na nila sa isa’t-isa.
This came three days after their SM MOA concert last October 27.
Kung nagdulot daw kasi ng goosebumps o sobrang kilig sa mga diehard Sha-Gab fans ang October 27 concert ng former couple ay kabaligtaran daw ito ng ikalawang staging.
In fairness, iba ang repertoire sa Okada show.
Wala rin si KC Concepcion who showed up at the SM MOA concert.
Ang isa ring kaibahan ng naturang restaging, Gabby wore a pair of eyeglasses.
Tila conscious daw ang aktor as he performed before an audience na iba kesa sa nauna.
Billed as VIP Night nga naman ang nasa Okada with pricier tickets.
Ang litrato nga ng menu nito na flinex ni Sharon ay wala sa SM MOA.
Pero ang most noticeable ayon sa mga social media comments, Sharon and Gabby seemed cold to each other.
Kaya ang curious na tanong ng mga netizens, between October 27 and 30 ba’y nagkaroon ng problema sa pagitan ng 80s iconic loveteam?
Dalangin nila’y huwag itong mag-spark uli ng panibagong ‘di pagkakaunawaan ng kanilang mga idolo.
Posible rin kasing baka nanibago lang si Gabby sa audience who differed from their SM MOA concert.
Pero in fairness, filled to the rafters ang Okada ballroom.
Anyway, sa mga Cebu-based Sha-Gab fans, may pagkakataon pa to catch their concert at the NUSTAR Convention Center in the Queen City of the South.
For sure, ‘yung mga lumuwas dito sa Maynila na nakapanood ng either SM MOA or Okada concert nila’y manonood din uli. Ronnie Carrasco III