Home METRO Shabu, baril nasabat sa 4 na tulak sa Cavite, Batangas

Shabu, baril nasabat sa 4 na tulak sa Cavite, Batangas

MANILA, Philippines – Inaresto ang apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga sa ikinasang operasyon sa Cavite at Batangas.

Kasabay nito, nasabat ang mahigit P306,000 halaga ng shabu at mga illegal na armas.

Sa report ng Police Region 4A nitong Sabado, Oktubre 28, sinabi na tinukoy ang dalawang tulak na sina “Gil” at “Soha” na naaresto sa operasyon bandang 10:40 p.m. ng mga operatiba sa Dasmarinas City, Cavite matapos na mabentahan ang undercover police ng P8,000 halaga ng shabu.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng shabu at nagkakahalaga ng P172,500. Nakuha rin sa mga ito ang hindi dokumentadong .45 caliber pistol, magazine at dalawang bala.

Samantala, sa Lipa City, Batangas, naaresto rin ng pulisya ang dalawang tulak na kinilalang sina “Precious” at “Allan” sa operasyob bandang 3:15 ng hapon sa Barangay 11.

Nakuha sa mga ito ang walong sachet ng shabu na may timbang na 19.42 gramo at nagkakahalaga ng P133,998.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang lahat ng suspek at nahaharap sa pormal na reklamo ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous articleTolentino sa COMELEC: Pag-upo ng mga ‘wagi sa BSKE, tiyaking maayos
Next articleInt’l labor group nangako ng tulong sa mga apektado ng Israel-Hamas war