Home METRO Shared lanes para sa mga bike, motor sinisilip ng MMDA

Shared lanes para sa mga bike, motor sinisilip ng MMDA

MANILA, Philippines- Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes na pinag-aaralan nito ang panukala para sa EDSA lanes na maaaring paghatian ng mga bisekleta at motorsiklo.

“Ini-entertain din natin ang idea na yan ay puwedeng gawing shared lane for motorcycle and bicycle,” pahayag ni MMDA General Manager Procopio Lipana. 

“Nakita natin na hindi na ganoon karami ang gumagamit ng bike lane as compared noong pandemic. Pangalawa, sa ngayon po ay mayroon tayong more than 160,000 [motorcycles]…na bumabaybay ng EDSA araw-araw,” dagdag niya.

Makikipagpulong ang MMDA sa stakeholders ukol sa proposal sa Aug. 29 para sa mga rekomendasyon na isusumite sa transportation department, ayon sa opisyal.

Samantala, ipagpapatuloy muna ng MMDA ang pagsita sa motorcycle riders at iba pang motorista na gumagamit sa EDSA bike lane, ayon kay Lipana. 

Nakahuli na ang MMDA ng halos 1,500 erring motorists sa bike lanes at posibleng mag-isyu ng tickets sa susunod na linggo, aniya. RNT/SA

Previous articleHigit 180K pulis magbabantay sa BSKE 2023
Next articleMga baril, iligal na droga buking sa Oplan Galugad sa NBP