Home NATIONWIDE Shari’ah Bar exams, computerized na rin!

Shari’ah Bar exams, computerized na rin!

MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon ay gagawin na rin regionalized at digitalized ang Shari’ah Bar Examinations.

Batay sa bar bulletin ni 2024 Shari’ah Bar Exams Chairperson Associate Justice Maria Filomena Singh, naghanda na ang Korte Suprema para sa isasagawang computerized at regionalized examination ay batay sa Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027.

Ipinarehas na ang computerized exams sa Philippine Bar Exams na unang isinagawa noong 2020-2021 Bar examination.

Ang Shari’ah Law practitioners ay naglilitis ng mga kaso sa Shari’ah district at circuit courts na nasa Mindanao.

Ang Shari’ah courts ang may hurisdiksyon sa mga kaso kaugnay sa paglabag sa PD 1083 o Code of Muslim Personal Lawd of the Philippines.

Itinakda ang 2024 SBE sa Pebrero 25, Linggo at Pebrero 28, Miyerkules. Teresa Tavares

Previous articleBI nakipagsanib-pwersa sa ADB sa integrity training ng mga tauhan
Next articleLisensya ng may-ari, drayber sa Mandaluyong SUV crash sinuspinde ng LTO