Home ENTERTAINMENT Sharon at Kiko, nag-iwasan sa Xmas party!

Sharon at Kiko, nag-iwasan sa Xmas party!

Manila, Philippines- Viral ang video kuha sa recent pa-Christmas party ng pamilya Pangilinan sa kanilang household.

Viral in the sense na nakakapanibago ang “unusual behavior” ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

For sure, pag nalingat lang sandali ang mag-asawa ay nagtatapunan ng mga makahukugang tingin ang mga naroon sa nasabing pagtitipon.

It was the Pangilinan’s first holiday together since the pandemic in March 2020.

Tinipong lahat doon ang mga yaya, driver, bodyguard, office staff, messenger at household staff ng Pangilinan family.

Abut-abot naman ang itinawid na pasasalamat ng Megastar sa mga ito for taking good care of them.

Nag-“We love you so much!” pa si Sharon on behalf of the family.

Pero sa likod ng joy at gratitude ni Sharon ay halatang-halatang “cold” sila ni Kiko sa isa’t isa.

Isang patunay na ang seating arrangement ng mag-asawa.

Instead of being seated at the same table ay magkahiwalay sila.

Nasa isang mesa si Kiko kasama sina Frankie at Miel.

Medyo may kalayuan ang mesang inokupahan ni Sharon who was sandwiched by two women.

Between the two, whose idea kaya was not to share the same table: Sharon’s or Kiko’s?

Duda ng mga nakapanood ng video, most likely raw ay ideya ni Sharon na bumukod away from where Kiko was seated.

Of late nga raw kasi ay hindi na naubusan ng mga hanash si Sharon sa social media.

Sharon even went as far as posting she shouldn’t have married Gabby Concepcion and Kiko next if it would only mean dragging four innocent souls sa intriga which the latter don’t deserve at all.

Ang tinutukoy na four innocent souls ng singer-actress ay ang apat niyang anak: KC, Frankie, Miel at Miguel.

Given Sharon’s seeming cold shoulder treatment toward Kiko at a supposedly happy event, ano naman kaya ang dahilan?

Haist! Ronnie Carrasco III

Previous articleJak, nag-invite ng collab kay David, minasama!
Next articleYoung actor, may ka-churvahan na international performer?