Home ENTERTAINMENT Sharon, iiwan na ng mga anak; Fans, nag-aalala!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sharon, iiwan na ng mga anak; Fans, nag-aalala!October 16, 2023 11:47 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Ang pagiging “empty nester” ang ikinatatakot ng sinumang magulang.Ang empty nest ay kundisyon kung saan walang kasama ni isang anak ang magulang dahil bumukod na ang mga ito’t may sari-sarili nang pamilya.Ito ang ikinababahala ng mga tagahanga’t nagmamahal kay Sharon Cuneta.All in all, Sharon has four kids: isa si KC Concepcion sa dating asawang si Gabby Concepcion.Tatlo naman ang anak ng Megastar kay dating Senator Kiko Pangilinan: Frankie, Miel at Miguel who’s their legally adopted son.Sa ngayon, wala si KC sa poder ng kanyang either parent.KC pursued her college studies in France that made her live independently from both parents.Sa side naman ni Kiko, hindi itinanggi ni Sharon na maging malungkot muli as Frankie flew back to the US to continue her college.Mukhang sa Amerika rin gugustuhing magkolehiyo ni Miel.Most likely, pag nakatapos na rin ng high school si Miguel, he’d also want to pursue his college studies in the States.Ngayon pa lang ay naiimadyin na ng mga Sharonians what their idol’s life would be like nang hindi kasama ang kanyang mga anak.If it has any consolation daw, sana’y sa Pilipinas din daw mag-settle ang kanyang mga anak once done with their studies abroad.Samantala, ipinost ni Regine Velasquez ang cover photo ng People Asia magazine kung saan makikita sa pabalat ang payat nang si Sharon.Ang naturang magazine comes with a feature article on Sharon’s journey to achieving her “now” figure.Ang tanging caption lang ni Regine ay: “Wow, look at her!”Gayunpaman, marami pa rin ang nang-iintriga sa larawang ‘yon na kesyo pineke raw to make Sharon look slim.Ayun, katakutakot na pamba-bash ang inabot ng mga intrigero’t intrigera! Ronnie Carrasco III