Home ENTERTAINMENT Sharon, lalayasan ang Pinas, may ‘serye’ sa Amerika!

Sharon, lalayasan ang Pinas, may ‘serye’ sa Amerika!

Manila, Philippines- Tila may plano na si Sharon Cuneta na umalis ng bansa, hindi para tuluyan na niyang hiwalayan ang kayang mister na si former senator Kiko Pangilinan.

Hindi personal ang dahilan ng pag-alis ng bansa ng Megastar.

Sa katunayan isasama raw niya ang kanyang pamilya kapag umalis siya ng Pilipinas.

Ang tunay na dahilan ng pag-babu niya ng bansa ay dahil nakatanggap kasi ang US management ni Sharon ng inquiry “for a series” kung saan regular ang kanyang gagampanang role na kukunan abroad.

Sa kanyang Facebook page ipinost ni Sharon ang kanyang natanggap na letter kung saan nga nakadetalye ang kanyang role, kung saan at kailan isu-shoot ang gagawin niyang proyekto.

May mga detalye na hindi na sinabi ng Megastar for confidentiality.

Caption ni Sharon sa kanyang Facebook post: “From my U.S. management. I think I wanna do this! But waiting for my scheds pa here. `Pag natuloy ito, hay, salamat, malalayo ako ng konting tagal sa Pilipinas, sama ko pamilya ko! Thinking hard and praying pa.”

Target ng nag-inquire sa US management ni Sharon ang kanyang schedule sa darating na Mayo.

Natural lang na sasaya ang mga Sharonian sa bagong balita ng Megastar at wishing ang mga ito na wala na sanang maging hadlang para matuloy ang offer na series sa kanilang idol.

Matatandaan kasi na during pandemic ay may gagawin din sanang movie si sharon kasama ang sikat na international stand-up comedian na si JoKoy, ang Easter Sunday noong 2021.

Okey na at kasado na ang lahat pero nagkaproblema dahil nalito si Sharon sa schedule. Lilipad na mga sana siya noon pero lumabas sa unang test niya na positive siya sa COVID-19. Kaya ayun nagka-delay-delay na siya papuntang Tate.

Ngayon, may offer na naman siya sa Tate na di hamak na maganda ang kanyang role.

Sana this time ay wala nang maging problema para matuloy na talaga ang international stint na ito ni Sharon. At sana makasama nga niya ang kanyang pamilya doon, including KC Concepcion na mas madalas nasa America naglalagi. Gerry Ocampo

Previous article8 dayuhang ‘wanted’ sa pagnanakaw pinauwi sa Japan
Next articlePH agri output bahagyang tumaas noong 2023