Manila, Philippines – Mismong si Sharon Cuneta na rin ang rumenda sa kanyang sarili nang hingan siya ng reaksyon sa pag-unfollow ng kanyang anak sa mag-amang Kiko at Frankie Pangilinan.
Matatandaang sa isang online interview nitong August 29 ay sinabi ni KC that she unfollowed her stepdad and half-sister on Instagram.
Walang ibinigay na dahilan si KC except that she wanted peace of mind.
Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Megastar when she said that KC’s act hurt her.
Bagama’t in-acknowledge o sinang-ayunan si KC nang sabihin nitong her family isn’t perfect,
naninindigan si Sharon na isang family matter lang ‘yon, “na maliit lang which got out of hand.”
Inamin din ng Megastar na exact opposite sila ni KC whose traits ay mas namana nito mula sa amang si Gabby Concepcion.
In-assure naman ni Sharon na pantay-pantay ang kanyang tingin sa kanyang mga anak.
Ito’y sina KC by Gabby and Frankie, Miel by Kiko at Miguel na in-adopt nilang mag-asawa legally.
Sa katunayan, Sharon can die for all four of them.
Payo lang niya kay KC: “Don’t forget the life lessons I taught you.”
Kasama na rin dito ang mga itinuro sa kanya ni Mita (Elaine, Sharon’s mom) and Tatay (ama ng aktres).
Ang mga itinuro rin daw kasi ng mga ito sa kanya ang nagsilbing gabay niya throughout her life.
Importante rin daw na magkaroon si KC ng “accountability, word of honor at loyalty.”
At the same time, Sharon confessed to aplogizing to Kiko and the Pangilinan clan after KC unfollowed her husband.
Makahulugan ang mga huling linyang binitiwan ni Sharon for KC: “If you want to be respected, be respectful. Respect is earned. If you want to be trusted, you earn it.” Ronnie Carrasco III