Manila, Philippines – Hangga’t makakalibre ay gusto ng ilang mga netizens na huwag gastusan ang panonood ng reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
All systems go na nga para sa Dear Heart concert ng former couple sa Mall of Asia Arena sa October 27.
On the side, Sharon is also busy doing A Mother and A Son’s Story with Alden Richards.
Kasado na ito na ilalahok sa darating na Metro Manila Film Festival.
Sharon seems to be moving heaven and earth to allot time para sa band rehearsal ng concert.
Siyempre, tinututukan din ng Megastar ang kabuuan ng highly anticipated reunion concert nila ng dating asawa.
Pero hindi raw rito sumasakit ang ulo ni Sharon.
Mas ngarag daw siya sa rami ng mga nanghihingi sa kanya ng complimentary tickets.
Ang tinatawag na complimentary tickets ay libre.
Usually, artists in the show are entitled to get these na ipinamimigay rin nila sa kanilang pamilya o mga kaibigan na interesadong manood ng pagtatanghal.
Pero prinangka na ni Sharon ang mga umuurot sa kanya ng libreng tickets.
Post ng singer-actress sa kanyang Instagram account: “Pasensya na po, nagtatrabaho lang ang girl n’yo!”
If she had her way ay mamimigay naman daw si Sharon ng compli tickets pero gasino na lang daw ang matitira sa kanyang kikitain sa concert?
Gusto rin niyang ipaunawa ang laki ng production cost na kaakibat in mounting such a concert.
Kung siya nga raw ay bumibili mismo ng tickets sa tuwing may concert ang kanyang mga kaibigang sina Regine Velasquez at Gary Valenciano.
Tulong na rin daw ‘yon sa mga kapwa niya entertainer.
Sa comment section ay bumaha naman ang mga komento mula sa mga netizens na nakakaunawa sa kanya.
Sharon, however, confessed na sa lahat ng mga concerts na ginawa niya, ‘yung sa kanila ni Gabby ang pinakanakakasakit ng ulo.
Hindi rin daw niya kasi alam kung paanong mapaglalaanan ni Gabby ang mga ensayo nila considering na busy rin ang aktor sa rami ng mga ginagawa nito. Ronnie Carrasco III