Home ENTERTAINMENT Sharon, to-the-rescue kay Miel!

Sharon, to-the-rescue kay Miel!

Manila, Philippines – No big deal kay Sharon Cuneta kung self-confessed member man ng LGBTQIA+ community ang kanyang anak na si Miel.

Miel is the Megastar’s daughter by Kiko Pangilinan along with Frankie.

Sa vlog interview sa kanya ni Luis Manzano, hindi nangiming inamin ni Sharon na ikinagulat niya ang rebelasyon ni Miel last year.

Oo nga raw at conservative siya, pero bilang isang ina’y hangad daw niya ang kaligayahan ng kanyang anak.

The singer-actress even went on to say that: “Being a member of the LGBTQIA+ community is not a sickness…hindi ‘yon sakit!”

Personally daw, Sharon grew up with gay men and lesbians.

Todo-puri nga siya sa mga ito as: “They are the most decent, most honest and most upright people I’ve known.”

Nalulungkot nga raw si Sharon pag nababalitaang there are parents who disown their children once they come out as gay.

“Mahalin n’yo ‘yan, anak n’yo ‘yan.

“It’s just the norm. Siguro, kung noon na hindi pa masyadong open, puwede pa. But these days? Ang importante, nakakatulong at marunong silang makipagkapwatao.”

Sa kaso raw ni Miel, Sharon implied her daughter didn’t actually choose to be queer.

But just the same, what matters to Sharon ay kung saan liligaya ang kanyang anak regardless of sexual orientation.

In showbiz, not only does Sharon have a daughter who’s an LGBQTQIA+ community member, maging sina lan Veneracion at mag-asawang Ricky Davao at Jackie Lou Blanco ay meron din.

At tulad ni Sharon, tanggap ng mga ito ang kani-kanilang mga anak. Ronnie Carrasco III

Previous articleMarc, may panibagong gimik; Kris, bibigay kaya?
Next articleBabae na top 9 most wanted sa Navotas, nalambat