Home ENTERTAINMENT Shawie ‘pinugutan’ ang sarili!

Shawie ‘pinugutan’ ang sarili!

Manila, Philippines- Amanos na sila.

Ito ang angkop na paglalarawan sa larawang ipinost ni Sharon Cuneta of her and her family.

Sa picture na ‘yon ay kapansin-pansing ang Megastar naman ang may “pugot” na ulo.

Sinadya nga ni Sharon na pagmukhaing “headless” siya admittedly as her way para masabing “quits” na sila ng asawang si Kiko Pangilinan.

Matatandaang naiulat namin dito sa Remate Online na nag-trending ang throwback photo na ipinost ng singer-actress sa Instagram.

Of the members of her family, bukod-tanging si Kiko lang ang naka-crop ang ulo.

Sharon’s posting of a headless Kiko has sparked speculations na may pinagdaraanan ang mag-asawa.

To make amends, nagpost si Sharon ng family photo kung saan siya naman ang may putol na ulo.

Kapwa deleted na ang ipinost niyang throwback picture with the headless Kiko at ang larawan ng walang ulo na si Sharon.

Pinalitan ito ng isang masayahing family picture taken before Sharon attended the 49th MMFF’s Gabi ng Parangal nitong December 27.

Samantala, nagkakaisa naman ang mga netizens sa pagsasabing the Pangilinan is simply sowing confusion on social media as regards to the status of their marriage. Ronnie Carrasco III

Previous articleSarah, binansagang ‘Tuyot Queen’!
Next articleMike Tan, pinaiyak ang anak!