Home NATIONWIDE Shear line, amihan magpapaulan sa LuzViMin

Shear line, amihan magpapaulan sa LuzViMin

MANILA, Philippines – Magdadala ang shear line ng kalat-kalat na pag-ulan sa silangang bahagi ng Mindanao habang ang northeast monsoon (amihan) ay magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Luzon at Visayas, iniulat ng PAGASA.

Ang Caraga, Davao Region, at Northern Mindanao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line na may flash flood o landslide na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Cagayan Valley at Aurora ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon na walang makabuluhang epekto.

Ang Metro Manila, Visayas, at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon na walang makabuluhang epekto.

Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 6:25 a.m., at lulubog ito mamayang 5:48 p.m. RNT

Previous articleSWELDO NG SAFETY OFFICER, MALAKI NGA BA?
Next articleSurigao del Sur niyanig ng M-5.7 lindol