Home NATIONWIDE Shear line, trough ng LPA magpapaulan sa Visayas

Shear line, trough ng LPA magpapaulan sa Visayas

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang shear line sa eastern section ng Visayas habang magpapaulan ang northeast monsoon (amihan) sa Luzon ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap sa Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar, Caraga, Davao de Oro, Davao Oriental, Palawan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi na sasabayan  g kalat na pag-ulan dahil sa shear line at trough ng Low Pressure Area (LPA).

Makararanas naman ang Batanes at Cagayan kasama ang Babuyan Islands ng maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Magkakaroon ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa northeast monsoon.

Inaasahan naman sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa shear line at localized thunderstorms.

Ang wind speed para sa Luzon at sa eastern sections ng Visayas at Mindanao ay moderate to strong patungong northeast to north direction nna may moderate to rough coastal waters.

Nagbabadya naman sa natitirang bahagi ng bansa ang “ight to moderate wind speed moving northeastward with slight to moderate coastal waters.”

Sumikat ang araw kaninang alas-5:58 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:24 ng hapon. RNT/SA

Previous articleLotto Draw Result as of | November 16, 2023
Next articleDOH nakapagtala ng 173 bagong COVID-19 cases