Manila, Philippines – Kinilig ang bagets singer na sinasabing Bea Alonzo look-a-like nang narinig niya ang pangalan ni Daniel Padilla sa grupo ng mga entertainment media sa kanyang launching as Manic talent recently.
‘Yun pala ay crush niya si DJ.
Si Shira ang gumanap na batang Sharon Cuneta sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.
“Crush ko si Daniel Padilla. I’m a fan of KathNiel. When I came here sa Philippines, napapanood ko na ang teleserye nilang dalawa. I love how Daniel acts, his personality and everything,” sabi pa ni Shira.
Si Shira at half-Israeli and half-Pinay. Naka-base sila sa Israel with her fam nang nag-decide sila na mag-stay sa Pinas and pursue her singing career.
Since napag-uusapan na si DJ, at 16 years old, handa na ba siyang ma-in love?
“Love is not all about boyfriend and girlfriend but also about family, friends and small crush,” explain niya.
Sabi pa ni Shira, love isn’t perfect but we always strive to fall in love again.
“Hindi pa ako nai-in love. Ang mindset ko po ngayon ay career.”
Magaling kumanta si Shira. Nagpasampol nga siya ng kanyang pagpe-perform and nagustuhan namin ‘yung version niya ng As It Was ni Harry Styles.
FYI, gusto rin ni Shira maging musical arranger and composer.
“Kapag nasa CR ako, nakakaisip ako ng mga tono and lyrics that’s why I want to be a composer too,” says Shira.
Ang mga songs na gusto niya i-revive aside from Sharon Cuneta songs ay ang mga kanta ng half-Filipina international artist na si Olivia Rodrigo dahil nai-inspire siya rito.
“She suits my vibe. Her song is for young generation and I can relate.”
Sa event na ‘yun ay pinarinig na rin ni Shira ang first single niyang Pag-ibig na isinulat ng director-composer na si Joven Tan.
Sabi pa ni Shira, tila ay na-influence siya ni Direk Joven sa pagsusulat ng mga kanta.
How about beaucon? Sa height at beauty ay pasok na pasok si Shira para maging beauty queen.
“Matagal ko nang napag-isipan ang pagsali sa beauty pageant pero hindi ko po gusto, modeling puwede pa.” JP Ignacio