MANILA, Philippines – Isinumite na ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang listahan ng mga posibleng pagpilian bilang Presiding Justice ng Court of Appeals.
Pitong Associate Justices ng CA ang kasama sa shortlist na ipinadala sa Malacañang ng JBC.
Kabilang dito sina:
1. Associate Justice Antonio-Valenzuela, Nina G.
2. Associate Justice Bato, Ramon Mariño,Jr.
3. Associate Justice Bruselas, Apolinario Dado, Jr.
4 Associate Justice Castillo, Mariflor Punzalan
5. Associate Justice Gonzales-Sison, Marlene B.
6.Associate Justice Lampas Peralta, Fernanda C.
7.Associate Justice Sorongon, Edwin Da-anoy
Magugunita na nagretiro nitong Setyembre 2, 2023 si Presiding Justice Remedios Salazar Fernando at nagsilbing Acting Presiding Justice si Lampas Peralta habang wala pang naitatalaga sa puwesto si Pangulong Marcos.
Si Justice Bato ang naging kontrobersyal sa listahan ng maging posibleng Presiding Justice ng CA dahil sa pagbasura nito sa double murder case laban kay dating Senador Panfilo Lacson kaugnay sa Dacer-Corbito case. Teresa Tavares