Manila, Philippines- Nagsimula na nga ang limited run ng It’s Your Lucky Day nitong October 14, Sabado.
The show will air its live episode on October 27.
Marami ang humula na out of curiosity ay papalo ito sa ratings, even surpassing E.A.T. on TV5.
Kahit pa itinaong 77th birthday celebration ni Joey de Leon last Saturday, all bets were on IYLD.
Sadly, hindi ganito ang nangyari.
Nakapagtala lang kasi ito ng 2.3%
IYLD came in third, sinundan ng Eat Bulaga sa GMA with 3.7%.
Reigning supreme pa rin sa noontime block ang E.A.T. na nakapag-register ng 4.8%.
Sa madaling salita, It’s Showtime or no It’s Showtime ay walang pagkakaiba.
Ang pansamantalang pamalit dito’y hindi rin naging “lucky” true to its program title.
Buti na lang, walang ilusyon ang mga hosts nitong sina Luis Manzano, Robi Domingo, Jennica Garcia at Melai Cantiveros na mapapantayan, much less mahihigitan ang It’s Showtime.
Speaking of which, inapela nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang kaso na isinampa ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster.
Hiniling ng magkarelasyon na ibasura ito ng korte. Ronnie Carrasco III